Sawsawero

Sa buhay, ang mga sawsawero o yung mga nakikisali sa buhay natin ay nakakainis, nakakairita at minsan nakakawalng respeto pero di antin alam tayo ay nakikisawsawna rin pala sa buhay ng iba. Pero hindi lahat ng sawsawero ay nakakainis.

Ako si Juan, isang karaniwang estudyante. Gumagawa ng projects kapag malapit na ang deadline.
Isang kaklase ko sa isang subject ang nagpakalat ng balita na ipapasa na bukas ang project na dapat isang buwan na gagawin. Agad-agadko naman itong pinagbigyan ng pansin at baka ako'y mabagsak sa klase namin.
Araw ng Lunes at ikaw busy sa paghahanap ng lugar upang makagawa ng aking project. Nagpunta ako sa lobby kung saan plano kong gumawa doon, sa kasamaang palad maraming mga estudyante ang umaangkin ng lugar na yun at ako'y napalipat ng destinasyon. Napunta ako sa library ngunit sabi ng assistan doon "bawal magkalalat dini!" at ako napatulak na pumunta sa "canteen" na iniiwasan kong lugar sa pagkat ito'y maingay at ako'y di makapag-concentrate sa aking gawain dahil nakadistorbo sila. Hindi ako nakahanap agad ng mauupuan kaya't nkisali ako sa pag-upo sa isang grupo ng mga babae. Nakakatunaw ang kanilan mga ingin sa akin na parang ako'y may malaking kasalanan sa kanila na di ko kayang pagbayaran.
Hindi ko na sila pinansin at ako'y tumungo sa paggawa ng project.
Busy na ako sa pagsusulat ng may nag abot sa akin ng pagkain, isang siopao at isang baso ng juice. Napahinto ako sa aking gawain at kumain muna dahil tinamaan din ako ng gutom. Napaalala kong "sino ang nagbigay nito?" nang isang babae ang na may maamong tingin ang ngumit sa aking harap.
Hindi na ako nagdalawang isip na magpasalamat at ako'y nahiya na nagpatuloy sa aking ginagawa.
5 minutes na lng at malapit na ang aking klase kaya nagmadali ako sa aking ginagawa.
Natapos ko rin ang aking gawain at yun naalalako ang babaeng nag abot ng pagkain. Nakakapagtaka na hindi kami magkakilala ngunit may pag-alala siyang nadama habang ako'y busy. Utang ko talaga ang kinain kong meryenda at ako'y nakatipid ng sobra. HAAYYY!! SALAMAT!!

Comments

Popular posts from this blog

-Michelle- WHAT DOES MY NAME MEAN?

Graduation indeed is the peak of education.

Secretly Loving YOU